Thursday, May 8, 2008

this is for a friend...

a quote was sent to me & I instantly remembered you, here it goes...

when you've found the reason to walk away, never look back...
just keep on walking, even if the destination is unclear...
it will take a lot of courage for every step you make, but it will save some PRIDE & HONOR for yourself..
(here is the best part)
" IT'S BETTER TO GET LOST MOVING ON, THAN TO BE STRANDED & BROKEN AFTER ALL"

BOB ONG said, "pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit pinasasaya ka nito. wag mong hintayin yung araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo"

--- sabi mo, "time will heal the pain"
--- sabi naman namin, "that's a lie... Because you only get to be healed, when you decided to be cured..."
the question is, "have you decided to be cured my friend?"

ang pagmomove on hindi lang sinasabi, more, dapat ginagawa... kulang ka ng DETERMINASYON. bakit? kasi hanggang ngayon umaasa ka pa din na hindi lang talaga ito ang pagkakataon para sa inyong dalawa... hindi ko sinasabing huwag mo na siyang mahalin, dahil alam kong mahirap gawin yun, at wala ako sa posisyon para magsalita ng ganun. pero nakikita at nararamdaman kong nahihirapan ka, oo masaya ka pag magkasama kayo, pero pano pag hindi na kayo magkasama, sinong nahihirapan?kaw din... ang masaklap pa dun, wala lang yun sa kanya, dahil isa ka lang KAIBIGAN, at mananatiling kaibigan na lamang...
love her at a distance, that is the most that you can do to save yourself from so much hurt.

sabi mo pa dati, ginagawa mo ang mga ginagawa mo dahil ayaw mong mabuhay sa mga "what if's", "sana pala" at kung anu ano pang panghihinayang. tama, motto ko din yan... pero may hangganan yan. hindi dahil gusto mo ay "no regrets" na buhay ay magpapakaTANGA ka na lang... dun ka sa sitwasyong kahit papano may mapapala ka naman, hindi yung ikaw lang ang bigay ng bigay, na kung minsan pa nga kahit hindi hinihingi nung isa ay nagbibigay ka pa din...
ang masasabi ko na lng, "you have to know how to love yourself first before giving love to others and eventually putting yourself to a situation where the only loser is YOU..."

--- it's hard to fight alone in a war that only you knows it is happening... mahirap lumaban ng nag-iisa lalo na kng wala ka naman pala talagang ipinaglalaban. you said, "this not yet the right time", I said, "there is no wrong time, just wrong situations..."
--- masarap lumaban na may kasama, kahit alam nyong pareho na napakaimposibleng mapagtagumpayan ito... pero minsan, sadyang malupit ang tadhana dahil inilalagay ka nya sa maling sitwasyon.
at un ang pinakamahirap na kalaban, ang MALING SITWASYON...